Hindi lang shit ang nalilikha sa inidoro…

Mga kataga

, , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

Nabasa mo na yung pamagat?

Basahin mo ulit…

Tapos na?

Wag ka makulet basahin mo nga ulit…

Ayan, tapos buksan mo itong website na ‘to: nyan.cat

Biro lang, wahahaha.

~

Si Thomas Crapper (tengeneng pangalan yan!), ay isang alamat sa mga pinakamagagaling na pilosopo na namilosopo ng mga tao, bakit? Dahil sa pilosopiya, kailangan mo lamang mag-isip ng mga kaisipan habang isinasaisip ang mga nasa isipan mo, at sa maikling panahong tinagal ko sa mundong ito, walang ibang lugar ang tatalo sa banyo pagdating sa pagpiga ng utak.

Anung kinalaman doon ni Mr. Thomas Crapper (haha, asawa siguro niya Shitter ang apelyido)? Siya ang lumikha/napagbintangang lumikha ng inidoro… Yes, inidoro, toilet bowl, trono, where-shit-happens, at paano ito nakaambag sa pilosopiya? Dahil lahat ng klase ng tao: bata/matanda/bakla/tomboy/butiki/mamoy, ay nagiging Philosopher sa tuwing nakaupo sa inidoro, sa madaling sabi, pinakamadaling mag-isip ng mga bagay-bagay sa tuwing nakaupo ka sa inidoro.

Naisip ko nga lang na gusto ko pala magsulat sa blog na ito nung nakaupo ako sa inidoro kanina habang nakatulala sa kawalan… joke lang sa puting tiles ako nakatitig, pero parang ganun na rin yun. Sa totoo lang, halos lahat ng isinusulat ko, hindi wholesome kung hindi ko isasangguni sa inidoro. Para mas creative, lalo na kung tagalog yung akda. :3

Hindi ko maiwasang yumuko habang nakaupo sa inidoro nang parang nagdadasal, at para mas epektibong matumbok ng kamalayan ang kasuluksulukan ng malikhain kong ulo, hinihimas-himas ko ang buhok ko habang nakakunot ang noo, o diba, multi-tasking? Kaalinsabay ng pagpiga mo sa bituka ang pagpiga mo sa utak, in perfect synch! Kaya habang iniire ko yung kinain kong petso sa Chicboy kahapon, umiire din ang isip ko ng idea.

Kaya laking pasalamat ko kay Thomas Crapper, ang kanyang imbensyon ay isa sa mga monumentong hindi ko malilimutan. Siguro yung libingan ni Mr. Crapper inidoro yung naka-tindig imbes na tombstone… joke lang, baka multuhin na niya ako.

~

Ayun nga, sa aking abang pananaw (weh), mas epektibong tagapagpaalala ng mga bagay-bagay ang inidoro kaysa guro… totoo yun.

Sa elementarya, uso ang memorization, at mga madalas pinapa-memorize ay mga tula, na isa-isa ninyong ire-recite sa klase nang dapat walang mintis, kung ayaw mong mag-squat. Ang pinakanaaalala kong panahon noong emementary student pa lang ako ay ang paulit-ulit at tahimik na pagrecite ng tula habang jumejebs, bago pumasok sa klase.

Noong high school naman, kahit limang minuto lang ako sa inidoro, andami ko nang naisa-plano, kabilang na dito ang buong projection sa isip ko nang kung anung mangyayari kung sakaling makapasa ako sa UPCAT, haha.

Ngayong college naman, mas naeenjoy kong magtagal sa inidoro, siguro dahil nakakatamad maghugas… joke lang yun ha. Ngayon kasi, kabilang sa mga iniisip ko ang kung paano pababagsakin ang mga mapang-aping uri sa lipunang Pilipino, paano babaguhin ang sistema, at paano magkakaroon ng world-peace (bleh).

Siyempre kabilang na dun lahat ng ideyang nais kong isa-blog. Automatic, nawawala kaagad yung aking writer’s block.

~

Pinakamapayapang lugar din ang inidoro, dito maaari kang mag-‘reflect’ sa iyong buhay, yung tipong susumpungin ka ng existentialism, at halos isang oras kang uupo sa iyong ‘thinking toilet’ (imbes na thinking chair). Tapos biglang may mga lilitaw na katanungan habang jumejebs ka:

1. Ano na bang na-accomplish ko sa buhay?

2. Ano bang balak ko sa aking eksistensya?

3. Ano nauna, itlog o manok?

4. Ako lang ba hindi nababahuan sa jebs ko?

At ang pinakaimportante sa lahat…

5. Ano nakain ko kanina, ba’t mukhang peanut butter ang shit ko… eww.

At sa pagtitig ko sa blangkong tiles ng aming palikuran, natatanaw ko ang sagot sa aking mga katanungan… yeah, natatanaw ko yung mga kulangot na pinahid ko sa tiles ng cr noong high school pa ako… o baka yung kapatid ko ang nagpahid nun… hmmm, nostalgic beybeh.

Napansin kong comfort zone ko na pala ang toilet seat.

~

Pero ang pinakanakakapagpabagabag na ideya sa tuwing shumishit ako ay yung kung dapat ko pa bang ituloy yung pinaggagawa ko. Sa unang taon pa lamang ng kolehiyo hinablot ko na kaagad ang adhikain ng rebolusyon Pilipino, seryoso, isa ako sa mga taong nais ipagpatuloy ang naudlot na rebolusyon ni Andres Bonifacio, isa ako sa mga taong hindi naniniwalang tunay na malaya ang lipunang Pilipino. Maaaring kuntento na tayo sa ating sapat-sapat na pamumuhay ngayon, pero alam nating ang ginhawang iyon ay matatagpuan lamang natin sa pamamagitan ng pera, at ang masaklap, halos siyamnapung porsyento ng mga tao sa Pilipinas ang walang kakayahang matamasa ang kaginhawaang ito.

Bakit?

Dahil wala silang pera.

Bakit?

Dahil wala silang trabaho.

Dahil ba tamad sila? Hindi, sa katunayan mas busy pa sila sa mga working student, marami silang trabaho, magbobote, tagabenta ng sampaguita, vendor, magsasaka, karpintero.

Bakit hindi sila makahanap ng trabaho?

Mga nakapagtapos lamang ang tinatanggap sa trabahong may matinong sweldo, at hindi sila nakapag-aral.

Bakit hindi sila nakapag-aral?

Dahil mahal ang matrikula sa mga paaralan, at dukha rin ang kanilang mga magulang.

Bakit nananatiling ganito?

Dahil pinapalala ng pamahalaan, at ng mga dayuhang kumokontrol sa pamahalaan.

Bakit?

Tengene, wag ka na magtanung kung ‘BAKIT’, ang tunay na tanong ay kung ‘PAANO,’ paano…

Paano makakapagtapos ng pag-aaral…

Paano makakahanap ng matinong trabaho nang hindi lumalabas ng bansa…

Paano makakaahon sa kahirapan…

Paano malalamang niloloko ka lang pala ng education system ng Pilipinas para maging ‘puppet’ ng mga kumpanya.

Paano makakalayang tunay…

Aktibista, haha, akala mo siguro ganun-ganun lang yun, simpleng pagrarally lang sa ilalim ng nagmumurang araw sa gitna ng nabubulok na Mendiola… Pero isa sa mga dahilan kung bakit pinili kong maging aktibista ay dahil pakiramdam ko wala akong buhay… pramis…

Matatawag mo bang buhay ang araw-araw na pagsunod sa ‘routine’ mula kinder?

Matatawag mo bang buhay ang mangarap na magkaroon ng nakakasukang white-collar job?

Matatawag mo bang buhay ang pagbababad sa iPhone, Mac, o Tablet, at pakikipagplastikan sa mga online friends?

May buhay ka ba kung ang nagdidikta sa kilos at pangarap mo ay pera at pagmamay-ari?

Buhay ako, buhay na tao, nag-aalsa kapag nalulupig, lumalaban kapag naaapi, nagpo-protesta kapag may problema. At hindi ka maaaring humingi ng solusyon sa pamahalaan, dahil pamahalaan mismo ang nagbibigay daan sa problema, at ang problema ay ang lipunan, kung saan ang nakararami ang walang kapangyarihan at ang kakaunti lamang ang namumuno. May diyos at may alipin, simple lang.

~

Sa inidoro tumutungo ang mga basura ng sistema, at sa pagtakwil ko sa mga basurang ito, uusbong ang panibagong ideya, pangarap, at pagbabago.

Pipiliin mo lang kung anong ideya ang pinakalapat sa sitwasyon, kung alin sa mga naisip mo ang pinakamapakikinabangan, at ifu-flush ang mga bulok at mapaminsalang latak.

Ang pagdumi ay parang pagpapanibagong-hubog. At Pagpapalit ng sistema.

Ginagawa natin ito araw-araw, maliban kung constipated ka. Yakididakdak.

Pagkatapos mag-isip, siyempre, wala kang ibang dapat gawin kundi ang tumayo at kumilos.

Oras na para iwanan ang aking comfort zone at humarap sa lipunan.

Isipin mo yun next time na maisipan mong mag-isip sa inidoro…

Kaso…

Tengene barado ung inidoro, andami kong naisip… :3

Creativity... it stinks.